Monday, September 28, 2009

The saddest weekend


We were shooting a television commercial sa may Commonwealth. Saturday, September 26. 8:30am nasa location na kami. Nag grind ng mga 10am. Naka first frame pa lang kami at wala pang good take ng biglang bumaha sa first floor ng bahay kung saan kami nag shoot. Kailangang patayin ang generator at baka maka kuryente. Akala ko ordinaryong baha lang at baka mamaya lang ay mawawala na din. Pero after two hours mukhang lumalala. Nag pack up.

Nagpacheck up si Kaia with Yayo and Zeph sa St. Lukes ng mga 10am. Natapos ang check up ng before 12pm. Pauwi na nang ma-stranded sila sa Kamuning. Nag stay muna sila sa sasakyan. Kumakain sila sa kotse. Mag papalipas ng baha muna. Pero after two hours lalong lumala. Lalong walang madaan. Lubog ang Kamias road. Hanggang leeg ang baha sa Anonas. Ganun din sa mga iba pang dadaanan sa Quezon City.

Ang hirap talaga pag ang layo mo sa pamilya mo sa mga ganitong panahon. Naiinis ako kung bakit stuck ako sa lugar na ito at ang layo nila at di ko sila kasama. Last time na nangyari ito nung Bagyong Milenyo. Nasa online ako sa Makati habang nagbabagsakan ang mga puno sa lakas ng bagyo at nabagsakan ng puno ang kotse namin. At wala ako sa tabi nila.

Ang lungkot. Gusto ko nang umuwi pero paano.

Mga 5pm ng medyo humina ang ulan at medyo bumaba ang baha na kanina ay lagpas dibdib ang taas palabas ng village kung saan kami nag shoot. Nagpahatid na kami. Gusto ko nang umuwi. Almost four hours kami sa daan. Ang daming naglalakad. Ang daming na stranded. Inihahanda ko na ang sarili na matulog sa daan. Buti na lang maswerte pa din at nakalusot sa trapik. Hindi ko na alam ang kwento ni Reggie na susunod na ihahatid sa Navotas pagkatapos kong mahatid.

Naglakas loob si Yayo kasama ng mga anak ko na maghanap ng daan papunta sa bahay ng kapatid niya sa Boston Street. Kung saan saan lumiko. Iwas sa baha. Iwas sa trapik. Buti na lang maswerte pa din at nakalusot sa trapik at baha at nakarating.

Nakita ko din ang mahal kong asawa at mga anak ng 9pm. May balitang lubog sa baha ang Anonas na malapit sa bahay namin. Inihanda ko na ang isip na binaha din ang bahay namin. Nakauwi kami ng mga 11:30pm at sobrang thankful ako na hindi nabaha ang bahay namin at safe kaming lahat.