Wednesday, September 2, 2009

MRT as usual


Lakad. Akyat. Bilis. Bili ng card.
Pila. Pila. Pila. Pila pa.
Siksik sa init. Singit sa mga tao
Antay. Pila. Kapkap. At last nakapasok.
Antay. Antay. Siksik. Pwesto.
Singitan. Gitgitan. Sikuhan. Pwesto.
Manong, p'wede bang 'wag mong hingahan ang batok ko.
Antay. Pwesto. Bukas ng pinto. Unahan.
Siksikan. Tulakan. Sikuhan. Gitgitan.
May sumisigaw. May umaaray.
May naiipit. May sumasayaw.
May napapamura. May nagmumurahan.
Kailangang makauna. Makaupo sana.
Siksik ng isa pa. Kasya pa ba?
Gitgitan. Palitan ng pawis. Kiskisan ng balat.
Usog sandali. Urong pa ng konti.
Miss, baka mahalikan mo na ako nyan.
Usog pa. Hanggang makapwesto.
Kailangang makauna. Kailangang makaisa.
Natanggal na ang earphones ko.
Pare 'wag mong ipitin ang bag ko.
Kailangan makapwesto.
Saan na nagpunta ang aircon dito?
Shet, nandito pa kaya wallet ko?
Pwesto. Uy, may cute.
Pwesto. Oopps, check ko lang wallet ko.
Ok. Pwesto.
Kapit. Ewww, Bakit basa ang handle bar na ito.
May humahatsing. May umuubo.
Bakit mukhang may sakit ang mga tao?
Pwesto. Sir, nakaharang ang paa mo.
Kapit. Dapat ready sa biglang paghinto.
Kapit. Kahit feeling ko may virus ang kakapitan ko.
Asan na ba yung cute?
Teka, asan na ba ang cellphone ko?
May magsasabi kaya dito kung may dumukot sa cellphone ko?
Sa tingin ko wala. Walang paki ang mga tao dito.
Buti na lang wala akong cellphone.
Mama, sabi'ng nakaharang ang paa mo.
Alis. Sakay ng escalator. Baba. Lakad.
Bilis. Lakad. Bilis. As usual.