Wednesday, October 21, 2009

Parang may kulang


Nakapagkape naman kanina.
Suot ay mukha namang pinalantsa.
At nakapag toothbrush din nang mabuti.
Pero bakit ako’y ‘di talaga mapakali,
Bakit parang may kulang.

Naisarado ko naman ang pintuan.
Nabigyan din naman ng baon si Zeph.
Nahalikan din ng tatlong beses si Kaia.
Meron ba akong nakalimutan?
Bakit parang may kulang.

May pamasahe naman sa bulsa.
Nagising sa tamang side ng kama.
Dala-dala din ang camera.
Ano pa ba ang nakaligtaan?
Bakit parang may kulang.

Meron ba akong sabit sa trabaho?
Kotse ba’y meron pang preno?
Sa hapunan ba’y meron silang uulamin?
Bakit parang may mali sa bituin?
Bakit buhay ko’y parang kulang.

Hay, alam ko na-- oo nga pala.
Ang tagal na kitang hindi nahahalikan.
Kailan ba kita huling nahawakan?
Miss na miss na kita, hon.
Uwi ka na—ikaw pala ang kulang.



(a letter to Yayo)
August 29, 2009