Sunday, December 16, 2007

A letter to Yayo


Dear Yayo,


Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa sulat kong ito.
Hindi ko alam kung papano magiging mas sweet pa sa iyo.
Katulad kapag nag da-drive ako, di ko alam ang papuntang Timog.
Saan ba ako liliko at saan ba tutungo?

Buti na lang nandyan ka.

Hindi ko alam kung papano kita bobolahin sa sulat na ito.
Hindi ko alam kung maniniwala ka o de deadmahin mo ako.
Tulad kapag tinanong mo kung ano’ng gagawin sa sabado’t linggo.
Hindi ko talaga alam…duh, ang isasagot ko

Ano na lang ang gagawin kung ako’y solo?

Hindi ko alam kung papano mag titipid.
Hindi ko alam kung ano’ng ulam ang ihahatid.
Tingin ko’y di sapat ang sulat na ito para ika’y maging masaya.
Kulang ang mga titik para sabihin kung gaano ka ka-halaga.

Swerte ako at kasama kita.

Buti na lang palagi kang nandyan.
Ano na lang ang gagawin ko kung  ako’y iyong iiwan.
Marami akong hindi talaga alam,
Pero isa lang ang alam na alam ko---love kita.

Buti na lang love mo din ako.

Ang lahat ng bagay ay pwedeng 'di ko na alamin.
Ang mga bakit, kelan, papano at saan.
kaya kung mag tatanong ka uli ay tandaan,
iisa lang talaga ang aking alam---

Ikaw lang ang tunay kong mahal.




22Feb2006